Monday, October 13, 2008

dahil wala na naman akong magawa

>^<
Oy!

(-_-)
Oy ka rin.

>^<
Ano yang ginagawa mo?

(-_-)
Nagtitimpla ng lason para sa mga surot.

>^<
Mga surot?

(-_-)
Oo... Pinuputakti yung mga gamit ko. Minsan, dinadagit pa tapos iiwanan sa kung saan na di ko na ulit masisilayan.

*blok-blok-blok...poof!*

>^<
Cool... Lason?! Ano ingredients?!

(-_-)
Zonrox, Betadine, Baygon, Mothballs, mga basa nilang medyas... At chaka yung melamine na kinatas ko sa binili kong powdred milk kanina sa bangketa. ^^

>^<
Resourceful...

(-_-)
Di naman. Sa palagay mo, kailangan pa bang pagkagastusan yung mga ganun?! At isa pa, wala naman akong balak patayin sila, eh! Hehe...

>^<
Eh, di ba, kailangan mong makisama sa mga surot na yun? Baka nakakalimutan mo, nakiki-squat ka lang sa teritoryo nila.

(-_-)
Ano nga bang ginagawa ko?

>^<
Wala ka naman raw ginagawa na papabor para sa kanila... Uy... Tsismosa ko ano?!

(-_-)
Oo. Tsismosa ka nga.
Papabor?! Hehe... Nakakatawa... Naka-blindfold kasi sila palagi. Squat...? Haha!

>^<
Di mo sila papatayin, pero sabi mo lason yang ginagawa mo?

(-_-)
Pangpakalma lang itetch. Masyado kasi silang hyper, eh. Baka masobrahan sa pagiging hyper, maubusan ng HANGIN sa katawan. Ma-chugi pa sila.

>^<
Concern?

(-_-)
Yun ba tawag mo dun? Kasi ako, hindi. UTANG NG LAMANG-LOOB. ^^

>^<
Nasaan na nga pala yung mga surot na tinutukoy mo?

(-_-)
May pelosyip gadering sila ngayon. As usual... Nandun sila at maligayang-maligaya dahil di sila nakasuot ng mga maskarang ipinagmamalaki nila pag nakaharap sa ibang creature.

>^<
Nagsusuot ka rin naman ng masakara sa harap nila, di ba?

(-_-)
Pinilit nila ako, eh! And no choice ako. Sa ngayon, eto lang ang magagawa ko. Malaki na rin kasi ang natulong ng inang reyna nila sa mga co-creatures ko. Hehe...

>^<
Surot din ang Inang Reyna nila?

(-_-)
Hindi.

>^<
Eh, anu ba talaga ichura ng mga surot na yun?!
*Lingon sa kaliwa*
Sila ba yun?!

(-_-)
Yung isa, seksi daw. Hehe...

>^<
SAN BANDA?!

(-_-)
Tapos yung isa, parang ipinaglihi sa XEROX MACHINE.

>^<
Mahilig mag-photocopy? Sino kadalasan ang biktima niya na original copy naman, ha?!

(-_-)
Syempre AKO. Pero kumukulo dugo niya sa akin... Ngiyahahahaha!!!

>^<
Hmm... Ganda niyan. Daig pa adik, ah?! Yung iba pa?

(-_-)
Yung isa...
*ehem!*
Wag na, baka UMIYAK pa, weh. Ngiyahahahaha!!!

>^<
Ah... Yun ba yung akala ko eh, MATAPANG?!

(-_-)
Yun yung piliy niyang isinisiksik sa coconut shell niya. Hehe...

>^<
Meron pa ba?

(-_-)
Yung isa, past time rin niya yung umiyak.

>^<
Bakit?!

(-_-)
Adik kasi sa ex-jowa niya na wala namang matinong naidulot sa buhay niya.

>^<
Ngiyahahaha!!!

(-_-)
Pero wag ka! Lahat ng yan, talented sa paggugupit at pagtahi ng istorya! Oh-yeah!

>^<
*hmmm*
Ikaw na naman ata main topic sa pelosyip nila, ah! Pansin ko, ayaw talaga nila sa'yo.

(-_-)
Okay lang. AYAW KO RIN NAMAN SA KANILA.

>^<
Eh- - - di ka ba naiirita? Wala ka ng pride sa mga pinaggagagawa nila sa'yo, ah!

(-_-)
Ano bang sabi ko dati?! Naminsan, kailangan mong lunukin yung pride mo ng buo para may maisuka kang pabalik. At isa pa, may Champion naman diyan. May Tide Bar rin pwedeng pambura ng kalawang.

*blok-blok-blok-blok*

>^<
Ewwww... Ano bang amoy yan?!

(-_-)
Nakikiamoy ka na lang diyan kaya tumahimik ka...

*poof...poof...poof!*

journal: BREATHE
written: 100408 / 10:03

Thursday, October 9, 2008

Basang Sisiw

Hay... Kanina pa ako nakatitig sa kisame. Ilaw lang ang nakikita ko - wala kahit isang butiki - o kahit gagamba man lang na pwedeng kausapin. Gusto ko ng makakausap.

Sinubukan kong istorbohin si Crimson. Pero alaws ata sa mood. Ayan at nakaupo sa harap ko... nakatitig lang...

Baliktanaw...
Ngiti.
Baliktanaw ulit...
Simangot.
Isa pa ulit na baliktanaw...
Ngiti.

Para akong adik na high sa mothballs. Siguro, kung nakikita lang ako ng ibang tao yung pinaggagagawa ko, sasabihin nila malamang, may sapi ako.

Biglang umihip sa bumbunan ko yung hayskul layp ko. Ewan ko ba kung bakit! Hayskul at rebelde... Para mas malinaw, ESTUDYANTE at pagiging REBELDE na nasa iisang katauhan. Ganoon ako nun.

Rebelde. Andres Boni? Adik.

Rebelde sa sariling tahanan. Di dahil kumitid ang utak ko ng mga panahong iyon. Galit lang talaga ako. O, makitid ang pang-unawa.

Bakit pag siya...?
Ako na naman...?
Lagi na lang...
Por que ako panganay, ako na naman...?
Eto ang gusto ko, nag-aaral naman ako, ah...!

Parang sirang plakang paulit-ulit na sinasalang sa ulo ko. Iisa lang ang mga larawang dumadaan sa paningin ko ko nung mga panahong yun.

Bisyo.
Yosi... alak...

Ayokong nagtatagal ang prisensya ko sa bahay. Kailangan mas madalas, nakatapak ako sa labas ng jurisdiction ng gobyernong namamahala sa teritoryong yun.

Ayoko sa kanila... Dahil lagi na lang ako ang nakikita kahit s akonting pagkakamali - akala mo, nakapaslang ka na. Pag may tama ka naman, daig pa nila ang taong nakapiring.

Pansinin niyo naman ako... Yung mga tama ko...

Pakiramdam ko, namamalimos lang ako ng tamang atensyon nun sa pamilya ko. Kung anu-ani na pinaggagagawa ko. Wala naman akong matinong naririnig sa kanila...

Mag-aral ka na lang kesa nagsasasali ka sa mga ganyan....!

Galit... Galit na sa nakikita ko ngayong mga oras na ito ay di tama. Pero, nasabuyan ako ng buhangin sa mga mata noon.

Naaalala ko pa ulit, ang kitid nga ng pang-unawa ko nun. At naisip ko naman ngayon, natural lang yun. Mas maganda na nagiging teacher mo ang sinasabing experience. Anim na taon rin naman akong mas bata ng mga oras na yun at di pa siguro kayang tanggapin ng isang tulad ko ang tama sa mali noon.

Dati, ayoko sa bahay... kasama sila. Ngayon? Para akong basang sisiw na naghahanap ng masisilungan. Yung may init... yung may matatagpuan kang tamang kalinga na sinasabi nila. Akala, mas masaya pag wala sila, pag di ko sila kasama - para walang hadlang sa mga kagustuhan ko. Nung nakita ko yung pagkakataon, sinunggaban ko agad. Pero ngayon, hinahanap ko yung matatawag kong PANILYA.

Kasi ngayon, malayo sila sa akin... At nakakalingkot isipin na minsan ay hiniling ko na sana ay di na lang sila ang magulang ko. Pero nasaktan rin naman ako sa sinabi nila sa akin noon, na sana, di na lang nila ako naging anak...

T_T

...dahil ngayon... NGAYON - ngayon ko lang naiumpog sa pader ang ulo ko, na wala na palang mas hihigit pa sa mundo, KUNG KASAMA KO LANG SILA.

Di man kami tulad ng dati na may kaya sa buhay, buo naman kami... Masasabi kong SAFE ako.

Pero sa ngayon, ang tanging magagawa ko lang ay panindigan ang naging desisyon ko - na humiwalay muna sa kanila... para makapagtapos ng pag-aaral...

Kailangan palang mahiwalay ng sisiw sa kanyang kulungan paminsan-minsan - para mabasa - para matauhan... Oo, yung rebeldeng sisiw na ang ina ay manok pero pilit na sinasalapak sa ulo niya na isa siyang itek!

Kailangan mabasa - para lamigin - para magising...

At ang itlog ng itek ay ginagawang balot. At ang balot naman ang napag-tripang paglihian ng mama ko nung pinagbubuntis niya ako.

Gusto ko lang malaman, di ba pwedeng mamili ng paglilihian ang mga buntis?!

journal: BREATHE
100808 / 21:07

Friday, October 3, 2008

eto ang trip....SASAKAY KA BA?!


anu ulet?!
Kung sa paanong paraan sumirko ang utak ng nagsulat nito, eh, di ko alam at wala na kong balak alamin pa... Ang akin lang, sana, SANA LANG TALAGA - gumagana ang "push button" na ito...

Photobucket


Mistulang malaking bulletin board ang halos bawat sulok ng unibersidad kung saan ako nag-aaral ngayon... Ang cute ano?! Free AD SPACE ang dating... At kung sinong BABY JAMES man ang tinutukoy dito, malamang, maglululundag sa tuwa 'yon dahil maltakin mo nga namang may handang mag-ala-zaido para lang sa kanya upang ipagtanggol siya laban sa mga masamsang surot na nagpi-pyesta sa kanyang nudity... ano ulet?

Photobucket

Walang halong duda at tinitiyak ko sa inyo... isa itong pader sa isang CLASSROOM ng ESKWEAHAN..

(Oo nga naman.... ITIGIL ANG WALANG HABAS NA PAGBUO NG RUBIX CUBE!!!!!)



Photobucket

Eh paano nga uunlad?

Eto ang trip ng mga estudyante habang ang iba sa kanila'y sumisigaw ng "IMPROVEMENT FOR THE UNIVERSITY'S FACILITIES!!!!!"

oh-yeah!

Photobucket

Sige, paunlarin mo nga^^

At paano ka magiging tagahugas ng pwet ng kano kung pipiliin mo naman na ikaw ang paghuhugasan ng pwet? Well, di naman sa sinasabi kong magpa-convert ka ng iyong nationality, di ba?! Pero nasa sa iyo naman na yan kung ano ang pipiliin mong buhay...

Oo, mahirap maging mahirap, pero masayang magkaroon ng bagay na alam mong pinaghirapan mo, di ba?

Thursday, October 2, 2008

VANESSA

Ano't may luha muling bumubuhos?
Isa na naman bang kapraningan ang dinaranas?
O iyan ba'y isa na naman bang pagpapanggap?
Awa sa sarili'y pilit mo bang hinahagilap?

Iuntog man sa bakal na pader ang iyong ulo
Sa palagay ko'y malabong umubra
Sa mata mo'y padaluyin man ang dugo
Mananatiling mailap ang awa

Ano't walang habas ang pagbibitaw mo ng mga salita
Mga istoryang pirated na pilit itinatama
Ewan ko lang kung sa ulo'y may tama ka
Nagmimistulang nakasinghot ng basang medyas

Masaya ka sa ganyang gawain?
Ang paghabol sa lalaking di ka naman kayang mahalin
Isinusuka... itinataboy... may pag-ibig ka pa rin?
Nasaan... nasaan ang awa mo sa sarili?

Nalilibang ka ba sa kasalukuyang pangyayari?
Masdan ang iyong anak na puwedeng malaglag sa hagdanan
Ah... napupudpod na iyang mga daliri mo
Kakapindot sa lintek mong cellphone

Alam mo bang galit ako sa iyo?
Napakahusay mong tumahi ng istorya
Di mo ba alam na naaasiwa ako sa iyo?
Nuknukan ka kasi ng sinungaling

Kung wala kang awa sa sarili mo
Maawa ka naman sa anak mo
Konsiderasyon para sa mga taong nakapaligid
Hindi ka naman api, adik ka lang siguro

Di ko hinangad na ang pagkatao ko'y gustuhin mo
Kaya wag kang mag-alala at laging isaisip
Di rin kita gusto - ang lahat sa iyo
Wag kang praning at asikasuhin ang anak sa halip


Iiyak-iyak ka pa...
Sana'y nag-artista ka na lang
Maaari ka pang kumita...
^^

(WRITTEN: 093008)
00:17
journal: BREATHE
-chaiCHUA

Friday, September 12, 2008

non-sense BATTLE

(//_-")
(Casts) Anti-intelligence Buff!

(T_T)
(Casts) Mommy's Buff!

(>.~)
Scamming-hand Buff!
Sucking-parasite Buff!

[ ... ]

(//_-")
Geym!

(>.~)
Asan na yung Portal Key?

(//_-")
Anong Portal Key?

(T_T)
Shunga! Portal Key! Susi yun ng daan patungo sa Pit-boss na si (-_-).. Yung fatay-gutom!

(>.~)
Asan nga yung Portal Key? Wala naman sa'kin yun! Anu ba yan! Kung saan-saan niyo kasi nilalagay! Kasi! Mga pakialamera naman - -

(T_T)
Tignan mo kaya sa Item Bag mo?

(>.~)
Oo nga ano? Sandali...

[ ... ]

(>.~)
Andito pala... Hehe...

(T_T)
Buksan mo na kaya yung platform para mailagay mo na yang Portal Key dun?

(>.~)
Asan ba yung platform na yun? Anu ba yan --

(//_-")
Ano yung platporm?!

(T_T)
Ayan oh! NASA TABI NIYO NA YUNG PLATFORM! Bibig kasi pinanghahanap!

(>.~)
Di ko nakita, eh! Pasensya...

(T_T)
Click mo na yung platform tapos click mo na rin yung Portal Key.

(//_-")
Paano ulet?

(T_T)
Di naman ikaw, eh! Si (>.~) !!!

(>.~)
Oo na..

[ ... ]

[ ...entering... ]

(-_-)
Woah! Kayo na ba yan?! Ngiyahahaha!!! Handa na ba kayong lumaban sa akin?!

(//_-")
Patay-gutom ka! Tikman mo ang Ay-Layner Atak ko! I going for istan yu!
*yaaahhh!!!*

[ ...toinks... ]

(-_-)
Anu? Hahaha!

(//_-")
aym sooo EMO...

(-_-)
Nice try... Maglaslas ka na lang...

(//_-")
Patay-gutom ka kasi!

(-_-)
Ha?! Kinain ko ba yung pinagmamalaki mong AY-LAYNER ATAK?!

(T_T)
Oo nga! Patay-gutom!

(-_-)
Oh.. Teaka.. Walang iyakan..

(>.~)
Identity-Absorbing attack!

[ ...5 ...4 ...3 ...2 ...1 ]

(>.~)
Nakopya ko na ang lahat sa iyo! Puwede na kitang labanan!
*Wataaaaahhh!!!*


(-_-)
Sira-ulo... Galit na galit ka sa'kin, tapos pinipilit mo kong kopyahin... Nakatira ka ba ng katol?!

(>.~)
Wala ka kasing alam! May weapon na ako ng tulad sa'yo!
Etong para sa'yo!

[ ...nabali ang weapon na kinopya ni (>.~) sa pit boss na si (-_-)... ]

(-_-)
Hahaha!!! Mahilig kasi mangopya! Palpak naman...
*tsk-tsk-tsk*

(>.~)
Panu nga ulit ayusin itong weapon na 'to?!

(-_-)
Adik na trying-hard pa...

(>.~)
PAANO NGA?!!!

(-_-)
Akala ko ba wala akong alam?!

(>.~)
Hala... Sinabi ko ba yun? Di naman, ah... Kala mo --- blah-blah-blah...

(-_-)
Adik nga...

(//_-")
Nobadi labs mi... At dahil diyan,Fatty Boobs and Ass Attack!

(-_-)
*Shield!*
Hehe...
Yun na ba yun?! Puro hangin lang nilabas mo...

(T_T)
Iiyak ako...

(-_-)
Edi umiyak ka...

(T_T)
Shooper Ngal-ngal Attack!
*Waaaaahhhh!!! Waaaaaahhhh!!! Waaaahhhh!!!*

(-_-)
*La la la la la la la la*

(>.~)
Bakit mo pinapaiyak si (T_T)

(-_-)
Sabi niya, iiyak siya, edi umiyak siya... Wala namang bayad yun..

(>.~)
Genki deshite! Itooshii kitono tameni! Imananiga! Dekeru kana!

(-_-)
Wow.. Yan na ba yung skill mo na Twisted-tongue Attack?!
Akala ko pupuluputin mo lang yung sarili mong dila para makapagpasikat...
Naiintindihan mo ba mga sinasabi mo?!

(>.~)
Wushi-wushi! Dajobu baka-kalabaw sushi!

(-_-)
Haha! NAKAKATAWA ka talaga..
Pero dapat alam mo na iba ang NAKAKATAWA sa NAKAKATUWA...

(//_-")
Nakita ko na ang kahinaan ng kanyang mga sandata. Nandaya ako para masilip ang laman ng Item Bag niya sa pamamagitan ng Itchy-hands Silent Kill skill ko!
*hahahaha!!! -oink-oink- hahahaha!!!*

(-_-)
Hoy... Poserang EMO, PIT BOSS ako. Wala akong Item Bag...

(//_-")
Ang daming arte!

(-_-)
Sabi nga ni Miss Luisa Gonzales,
IT'S BETTER TO BE MAARTE THAT NAG-IINARTE...
Teka, naintindihan mo ba yun?!

(//_-")
Da telepon namber yu dayal is rongispeling. Plis tsek da diksyunari en dayal agen
*toot-toot-toot...*
PATAY-GUTOM!

(-_-)
Di halata sa akin.. Pero kung ikaw yung titignan... HEHE...

(T_T)
*waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhh!!!!*

(//_-")
Mamatay ka na! Mapunta ka sa iNpyerno!

(-_-)
IMPYERNO...
At oo, sige, magkita tayo dun.

(//_-")
Ito ang hidden weapon ko!
CLASS CARD!

(-_-)
Eh?!

(//_-")
FLAYEEEEEEEEEEENGGGGGGG.... PALAKOL!!!!!!

(-_-)
Waaaahhh!!!
Ang dami niyan, wah!
Teka, mag-sa-summon ako!

[ ...summoning... ]

(-_-)
Eto! Espiritu ng TEACHER!
TEACHER, batuhin mo ng libro! Ipatama mo sa ulo para mawala ang Anti-intelligence buff niyan!
hahahahaha!!!

[ ...wa epek... ]

(-_-)
Hmmmm....
Matibay ang ANTI-INTELLIGENCE BUFF mo, ha?!
TEACHER, DALHIN SA GUIDANCE YAN!

(>.~)
Nakopya ko na ang mga peyborit mo!
*BUWAHAHAHAHAHA!!!*


(-_-)
Wow.. Galing sa ilalim ng lupa yung tawa ^^
At sa ginagawa mo, para kang nasapian ng kaluluwa ng hunyangong nakasinghot ng basang medyas!

(T_T)
*waaaaaaaaaaahhhhhhhhh*

(-_-)
Syatap...

(T_T)
OK.
Aalis na ko... Isusumbong kita...
*Waaaaaaaahhhhh*

(-_-)
Go...

(>.~)
Humanda ka!!!

(-_-)
Wala ka ng kakampi... Baka balak mo nang lumayas?!

[ ... ]

[ ...matibay si (>.~) at ayaw patalo... ]

[ ...Lahat na nga walang kwentang bagay na walang konek sa laban nila ni Pit Boss (-_-) ay binanggit na niya... ]

[ ... ]

(-_-)
Tama na.. nakakatamad ka na...

[ ...3 ...2 ...1 ... ]

[ MISSION FAILED for (>.~)... (T_T)... (//_-") ]

(-_-)
Susulat kayo ha?!

Wednesday, September 10, 2008

LOHIKA

Logic.

Iyon ang subjec t na dahilan upang magkaroon ng internal-bleeding ang utak ko. Minsan, naiisip ko na adik lang si VENN sa mothballs kaya napag-tripan niyang gumawa ng VENN DIAGRAM para pasirkuhin ang utak ng isang walang-kalaban-labang na indibidwal.





Kung titignan mo, parang logo lang ng Olympics na nakulangan ng dalawang bilog dahil sa inantok na yung nag-do-drawing.

Pero mapanlinlang.

Mag-uumpisang mag-tumbling na sasabayan pa ng pag-split ang defenseless mong utak kapag kinabitan na yan ng mga letra na sumisimbulo sa Minor Premise, Major Premise at Conclusion.

Kakaiba ang moods ni LOGIC na mahirap sakyan. Halimbawa na lang ng AA-A. Oo. Kung paano mo malalaman kung Happy, Sad, Angry o Hungry siya ay di ko alam. Basta, hinuhugot ang moods ni LOGIC sa apat na letra.

A - E - I at O.

Kung itatanong mo sa akin kung nasaan ang U, malamang wala akong maisasagot.

Noong panahon na pilit kong kinikilala si LOGIC ay siya namang paghatak ni Hudas sa talukap ng mga mata ko. Na kahit lagyan ko ng toothpick ay di uubra para wag itong matulyang magsara.

Hanggang sa huli ay napagtanto ko na isa na naman akong biktima ng sarili kong krimen.

Hanggang ngayon ay nasa tabi ko pa rin si LOGIC na patuloy akong minumulto.

Talaga atang di kami magku-krus ng landas ni LOGIC. Kung nag-krus man ay panandalian ko lang siyang inusisa,

Naramdaman ko na parang pakwang pinagulong-gulong mula sa tuktok ng Mt. Everest ang utak ko at tuluyang nagkalasug-lasog ng mga panahong iyon sa ilalim ng mga kamay ng butihin naming propesor na infairness eh, parang nagpa-buttocks ng cheecks at parang modelo ng PONDs nung kabataan niya.

Ang hirap humanap ng sagot sa exam kahit na open-notes pa ito. Mahirap dahil di mo alam kung saang parte ng notebook mo hahanapin ang sagot o di kaya'y wala ka namang notes na mai-o-open.

Para akong Modern Sisa habang naglalakad sa Teresa. Inaabangan ang pagdaan ng nawawalang si LOGIC. Mahirap gamutin ang nagdudugong utak lalo na kung ayaw mong ipagamot.

NOTA BENE: Mag-ingat dahil baka bigla ka na lang masaksak ni LOGIC.

Bakit di pa ako inaantok?

ORIGINAL DATE: 090908
JOURNAL ENTRY: (BREATHE) 23:52
-chaiCHUA

Medyo magulo ang mundo ko ngayon. Parang sinusurot ang guni-guni ko. Napakadaming dahilan para isipin ko na ko na malapit ko ng palitan si Atlas sa pagpasan ng mundo. Pero di rin! MUNDO NA YUN -- buti sana kung globo lang yun, kaya ko pa.

Gabi na at di pa ako dinadapuan ng tampalasang antok. At linsiyak nga naman, di ko alam kung sinasapian ako ng kaluluwa ng tulirong bulate. Di ako mapakali sa higaan kaya pinili kong kumuha ng papel upang pag-aksayahan ng tinta.

Pero di ko talaga alam kung saan hahanginin itong maisusulat ko. Kung saan man mapadpad ang ulirat ko, eh, sumasang-ayon na lang ang kamay ko. Ganoon ang siste.

Sa mga oras na ito ay nais lumuha ng panulat ko sa piraso ng papel na ito. Siguro, medyo napapraning na nga ako.

Minsan, kailangan mong lamunin ng buong-buo ang ipinagmamalaki mong PRIDE. Kailangan mong humanap ng alternative para palitan ito. Kagay ng Tide, o kay ng Champion para masabing marunong ka sa buhay. Kailangan mong ipagkait ito sa sarili mo sa pansamantagal na panahon para magkaroon ka ng pagkakataong huminga ulit. Kailangan mong sumang-ayon sa panahong nagbubuhos ng mga yelo na kasinglaki ng ibinibenta sa lugar na may nakapaskil na "ICE FOR SALE". Kahit pakiramdam mo'y walang flashlight na madamdampot sa oras ng black-out dahil di ka nakapagbayad ng bill sa kuryente.

Sa huli nama'y may mapupulot kang maikakabit mo sa pagkato mo. Parang items na napupulot sa tuwing pumapatay ka ng monster sa isang on-line game. Mag-le-level-up ka pagkatapos kang paikot-ikutin ng mga siraulong NPC na walang ginwa kundi magbigay ng quest.

Masaya ang pakiramdam kapag alam mong lumalakas ka...

Hinto...

Hinto ulit...

Kung kailan ako makakahinga ng malaya sa kung anong laro man ng buhay na ito ay malabo pa para sagutin. Ang tanging naiwan sa gula-gulanit kong utak ay ang pag-asang matatapos din ito at ang pagsibol ng bagong PATCH sa laro upang bigyan ka ng pagkakataong matuto.

Sunday, September 7, 2008

TOTAL MORONS ON-LINE

RACE: AIR-HEADs
SPECIAL SKILLS: Eye-Liner Attack, Fatty Boobs and Ass Combo, Doble-Cara Power-ups, Flying Palakol
BUFFS: Anti-intelligence buffs
Place where can find these species: Somewhere near the kalye doing her
one passive skill, TRASH-TALKING.

SPECIAL COMBO:
Apply Anti-intelligence buff first. Trash Talking (yung
passive skill niyang walang kwenta) yung next. Nga pala, ang FLYING PALAKOL niya niya ay naktago sa kanyang hidden wepon - CLASSCARD. So, yun yung next. Use the Eye-Liner Attck for stunnig opponent then for finale, the
FATTY BOOBS AND ASS ATTCK. For power-ups, use DOBLE-CARA para mas malakas ang higop ng enerhiya sa kalaban
.


RACE: DORKs
SPECIAL SKILLS: Ngal-ngal Sooper Atak, Gupit-tahi story counter attack (passive yan!) Summon Pets
BUFFS: Mommy's Buffs, Rusty-Tongue Buffs
Place where you can find these species: Hiding under their maker's skirt

SPECIAL COMBO:
Apply Mommy's Buff (this character can't fight alone so
you really need this BUFF para mas malakas ito). The Rusty- tongue Buff is use para sa counter attack mo na GUPIT-TAHI STORY. Then followed by SUMMONING YOUR PETS. Yung sinasabing PETS nito ay nakatambay sa ulo niya. Kaya dun mo huhugutin yun. Pag nararamdaman mong dadafa ka na
use the NGAL-NGAL SOOPER ATAK! o-yeah! FATAY na agad kalaban mo dun!


RACE: EGOCENTRICs
SPECIAL SKILLS: Identity Absorbing, Ngal-ngal Silent Kill, Sooper Fam-fam Dash, Talkshit power-ups
BUFFS: Rusty-tongue Buffs, Sucking Parasite Buffs
Place where you can find these species: Under the ladder, beside you

SPECIAL COMBO:
Apply Sucking Parasite Buff bago yung Rusty-tongue Buff
para mas effective. Mas madadalian kasi ang character na ito mangopya ng features ng OPPONENT pag ganun yung ginawa mo. Then do the IDENTITY ABSORBING na! Maganda yung skill na iyon para pataasin ang temperatura
ng OPPONENT mo. Yun nga lang, nawawalan ng sariling identity ang character mo. Sa huli, nagmumuka siyang sinapian ng tulirong mambabarang. Ang Ngal-ngal Silent Kill ay isang skill na apektib kung gustong mang-backstab ng Egocentric. Malakas ang damage nito lalo na kung ka-dugo niya ang katabi habangkina-cast niya ito. Ang Talk-shit power-ups ay ginagamit kapag nararamdaman na niyang matatameme na siya sa kalaban. Ito ang skill na nagbubuga ng sandamukal na salita na wala namang laman... Pa-epal for short para pilit lituhin ang kalaban.



***END***

Thursday, July 24, 2008

di ko ALAM kung sa paanong paraan ^^

ewan lang! mahirap talaga mag-manage ng ganitong uri ng kabalbalan kung wala kang sariling PC.. my computer shop nga, pero minsan nakakaasiwa para sa akin yung mag-type ng ganito kung madaming tao.. KAHIT WALANG MGA MATANG NAKATINGIN..

tumbling lang..

badtrip ako ngayon.. Sige, BITTER na kung gusto mo yang itawag sa akin.. gusto mo yan, eh!

gusto ko manapak! Pwede na rin siguro sa pader. Pero medyo ayaw ko rin. Kawawa naman yung tiny hands ko. Ang liit na nga, iismolin ko pa lalo.

Minsan, nakakainis talaga. Kahit ayaw mo kasi mainis, maiinis ka..

*GRRRRRRRR....!!!!*

mahirap magpa-level sa RF.. wala kasing PREMIUM SERVICE.. wala rin naman kasing pang-premium service..

mahirap rin mag-PT ng skill... KASI nga, walang PREMIUM SERVICE.. plus the fact na maraming raiders...

ampness!

Siguro, iisipin mo, may pagkamababaw yung dahilan bakit ako badtrip ngayon.. DI LANG NAMAN YAN YUNG DAHILAN..

ang tao, bakit ganun?

ewan ko, kaso, TAO din ako pero minsan, nalilito din ako sa sagot.

BAKIT NGA BA GANUN?!

ayaw niya ng ganun.. PERO GAGAWIN RIN NAMAN PALA NIYA!

ampotek!

o cge, to be continued na muna at uupo na yung pinsan ko sa harap ng PC na gamit ko..

MEDYO MALABO ANG MUNDO KO NGAYON... kaya pasensya na lang sa blog na ito..

at kung natapos mo mang basahin ito hanggang sa huling letrang naka-type dito, SALAMAT dahil sa panahong inaksaya mo.. nakakatuwa at pinagbigyang mo akong mag-dada dito.

SALAMAT rin kung may reaction ka, kahit di ko naririnig.. o nalalaman...

SIGURO, itago mo na lang yan sa sarili mo at baka makatulong ka pa sa mga surot na walang magawa sa buhay..

SALAMAT...

-chaiCHUA

Friday, July 11, 2008

*Nang Nakisawsaw si Cry sa amin ni Pipay*

ORIGINAL DATE WRITTEN: 072407
TIME: 16:35 (HS110)
(Entry in Caught in the Act)


(Chai)
a tear to shed...
Love... Hatred... How can you trust someone if still you're having doubts?!

(Pipay)
What?! Well, you can't trust anymore if there is doubt... Kaya nga may doubt eh... But if you really want to give that trust, it would take a lot of courage and sacrifice... You'll have to take in consideration that sooner or later... uor trust will be put to death...

(Cry)
Parang ang hirap non! Pwede bng how can i trust if he's still doubting me?!... wahehe... (ang init ah)

(Chai)
Wahahaha!!! pede din Cry! Uhmm... Pipay... so... a lot of courage, huh?! ... If you say you trust someone but still, you know 2 yourself that you still have doubt, you're just making an excuse, right?!

(Pipay)
Using doubt as an excuse not to trust? Well... i don't think it's possible... Doubt is not an excuse... its just doubt... Cry... how are you going to trust if he doesn't trust you? Well... you can't... unless you really want to... then go!

(Cry)
It's so hard 2 trust sum1 for a long time not knowing he/she doesn't give a damn!!! - ai nako! sabi co na nga naglo2kohan lng teo!! dpat sa ganon TIGILAN na! wahahaha...

(Chai)
Nagkakagaguhan na ng ata tau d2... change topic... if you're hurt... do you confront the person that made you feel that way?! Or you just - SHUT-UP?! Pretend that everything's okay... (Like... it's one way of avoiding intimacy...^_^)

(Pipay)
You freakily hit the spot! I would sit in a corner and shut up for the rest of the day... I can't - couldn't - confront him coz he doesn't or it's not his intensin o do it... And if i tell him, its as good as saying that i really like him...

(Cry)
!HAH! me?! ... il go to him.. spunk his FACE! & roar, dat he hurt me... xo mch! i wnt him 2 fil d pain i felt! i don't want2kill myself! suffering d pain, & him not knowing! ... nyeee...

(Chai)
nyaikz! good thing cry has the guts... nice... "try to put things where they should be" is the fuckin drame... if you'll hide those feelings... it will just drive you - insane...?! numb...?!

(Pipay)
As much as i would like to do that... i just can't, well, maybe i don't have the guts, but who says i keep it in?! You've seen my SOLITUDE... I would tell him... the day when i'm sure i'll never see his face again! hahaha! bitter?!

(Cry)
Hmm... "getting ready" "preparing urself 4 battle"... =) weee... - POTA! gnun tlga ga2win Q pgktpos ña Qng saktan! tpos sa2ktan q p srili q s pgti2mpi HUH! ASA! =P weee...

(Chai)
Yun yun banat dun! Ayus talaga Cry! Hmmm... gera ba?! so, how can i fix things then?! Trust... Once it was ruined... you can never have it back from broken pieces... err... "past os past" of "history repeats itself"?! (teka - si Rizal ba talaga ay likas na babaero?!) Pipay?! Si Clark sa friEndster ko?! Wafu yun... seatm8 ko lang yun nung HS. hehe!

(Pipay)
Eh kasi naman! Boyprend mo yon! Eh si Tracy?! Nyak!!! ANyway... Kapag may butas ang trust... you can't use it anymoer... eh, wag bastos... past is past... it already happened, there's nothing you can do about it... history repeats itself at one point... but not entirely...

(Cry)
...but...there is olwesz an excemption... (Chai...if he ask u 2 giv him a chance dnt hesitate 2 giv... 4 it hav bin hurt... but f he promisd 2 nvr do agen & e're stil inluv its olryt! its yu 2 decide if it hapens agen... we yu love... sacrifice...

(Chai)
nyak... nyak... ako nga yung di binibigyan ng trust... uhmm... parehas lang din... sometimes... there are things rushing in... at ayun! Hala? Kamusta naman kasi yun?! Sometimes i feel that he's insensitve... like he doesn't care at all... it sucks!


(Pipay)
it's in MEN'S NATURE to be insensitive... haha! if he promises... slap his face! then tell him, that if that promise is broken, he'll take more than that slap!... haha!

(Cry)
...woi muhang mgnda yn Fifay!! ..ah kaw pla ung yaw bgyan ng condom... bt if u proven him wrong reverse him... & its effective.. promise! ngawa q na yan eh! w? tears pa! tnong mu sakin kng panu! ... LAB YU FIFAY!!! ---LASER BEAM ---


(Chai)
--WAHAHAHA!!! nakailag ako!!!--
--LASER SWOOOOOORRRDDDD!!!--
adik si Cry ... si Pipay ay brutal... lahat tayo ay abnormal... akala niyo ako lang?! contradictory ang mga sagot niyo.. tsk-tsk-tsk... uwian na... any final mesaages?! Pipay... bawasan ang kakahithit ng betadine! Cry... condom?! nyahahahaha!

(Pipay)
Nuclear bomb! Oh! sabog kayong dalawa! Bwahaha! Come on... hilig mo sa condom ah! hehe...

(Cry)
Eh sbi nyo trust eh... kya condomize eh kn condomize... eh d trust =)
--Chai kng gs2 mo try ung gnwa q 22ro ko xeo... woki..
--4 Fifay... nkailag aq kz nsa STRATOSPHEE me nun. wahahaha...
LABS YU!!!



(---naganap ang pangyayaring ito habang madilim ang buong classroom namiin.. sa kadahilanang nanonood kami ng mivie about kay pareng Pepe Rizal.)

Sunday, July 6, 2008

tik-TAK-tik-TAK... anu ulet?





(JOURNAL: CAUGHT IN THE ACT)
(ENTRY: 073107-18:46)


Ang tagal ng oras...

Kasalukuyan akong nasa 5th floor g PUP main building. Nakasalampak sa upuan at kaharap ang mesang nakasaksi sa aming magkaklase na nagmistulang bangag na bangaw sa paggawa ng mga assignments sa accounting - 1st yr. 2nd sem...

May kaharap din akong lalaki. Pero nakatalikod siya. Pero nasulyapan ko naman ang mukha niya nung napadaan ako.

B***n?!

P***y.. si B***n nga ba ito?

Oh well.. Wala naman silang kinalaman sa isusulat ko... At wala pa akong naiisip na isulat... Umaalog sa 6th floor at may naririnig pa akong sumisigaw. Cheering squad ba yun?

Ewan... Siguro... Baka... Kalabaw, kambing, hunyango...

Malamig dito kahit papaano. Masarap matulog. Haaayyy... Baka bumuhos na naman ang ulan at bumaha sa 6th floor. Ganyan dito. Sa 6th floor kadalasan unang binabaha. Astig, nu?

Masaya rin palang tumambay dito... Lalo na pag ganitong oras. Mangilan-ngilan na lang estudyante...

(Lumilindol... May mga hukbong sandatahan ang nagtitipon-tipon sa itaaas)

Wala akong ibang maisulat pero ilang letra na din ang naitapon ko sa papel.

*Sulyap sa kaliwa*

*Sulyap sa kanan*

*Ngiti*

*Hinto*

Para akong tanga. Basta mangati ang kamay ko na humawak ng panulat at papel, gagawin ko. Masuportahan lang ang kaligayahan ko.

Bakit ba ako sumusulat? Para saan? May napapala ba ako?

Sumusulat ako dahil gusto ko. Kaibigan ko ang panulat at sumbungan ko ang papael. Kaibigan ko din ang mga letra basta walang kinalaman sa Math.

Nagsusulat ako para sa madaming kadahilanan na di ko na kailangang isa-isahin.

May napapala ako sapagsusulat dahil isa sa mga mga kaigayahan ko ang ganitong gawain. Nakikilala ko ang sarili ko. Nakakasagupa ko ang sarili kong demonyo. Nakapaglalayag ang diwa ko sa kung saan ko man gustong makarating.

May bagong grupo ng mga estudyante ang nakamaling naupo sa kinalalagyan ko ngayon.

Digestive System ang topic nila. May quiz siguro sila kanina.

Digestive...

Digest...

Minsan ayokong magbasa ng anumang libro dahil madalas kong ma-digest ang istilo ng mga letrang naka-imprenta dito. Minsan pa nga ay naaabutan ko na lang ang sarili kong nagsusulat ng isang istorya na nahahawig na sa plot ng nabasa kong libro.

Madalas kong ma-digest ang sarili kong gawa matapos makabasa ng mga letreng may pagkakahawig ng sa akin.
Ang sagwa pala ng lasa.

Mahirap rin pala... Aakalain pa ng iba na ninakaw mo ang ideya sa iba. Kriminal.

Marami na akong natapos na short stories at nobela. Pero nawala ko din ang mgakopya matapos na isulat ang mga ito. Madami ring istorya ang di ko naituloy. Minsan kasi, nawawala ako sa daloy ng sarili kong letra. O di kaya, sa lagitnaan ng isatorya ko matatagpuan na nagmimistulang xerox copy lang ito ng ibang istorya. At minsan ang dahilan, nadidismaya ako. Nasa kalagitnaan na ako tapos bigla akong makakanood ng pelikula o makakabasa ng libro na hawig ng isinusulat ko.

Pag minamalas-malas ka nga naman.

Post no Bill.

Wala. Binasa ko lang yung nasa poste. Inusisa ako ng dalawang lalaki na napadpad sa kinasasalampakan ko. Isa sa kanila ay kulay PINK ang dugo.

Ano daw ang course ko. Tapos, dalawang tanong pa ang sumunod. Di na ako umimik matapos ang pangatlong tanong para wag ng humaba ang usapan.

Mas gusto ko kausapin ang papel sa ngayon. Madilim na dahil 19:25 na. Nakahiga si kuya pero napabangon ng makita ang isang prof na dumaan. Sabay banat sa akin:

"Ang cute ng prof na yan, 'no? Parang manika."

*Ngiti lang ako*

Oo. Parang manika...manika ng mangkukulam... at ako ang mangkuklam.







iAMnobody

iAMnobody...

yan ang pangalan ng character ko sa Rising Force Online..

Level 42 pa lang at Sentinel ang napili kong trabaho para sa kanya..

di q lam kun bakit yan ang naisip ko..

Xenos Server at Bellato ang aking online baby.

ac2ly, meron aQng acretia na "byTHEway" naman ang name at tumataginting na LEVL 10 (ata)..

type lang ako ng type...

para sa blog na 'to..

Para magkaron ng laman...

E2ng blogspot na 2, eh.. sinubukan ko lang..

si Keene keasi, nakita ko sa friendster niya..

kaya eto nga.. sinibukan ko.

Pero nangangapa pa ako.

Baka makipagbakbakan na naman siguro ako sa sandamukal na codes kung gusto kong maging "PERSONALIZED BY ME" ang drama ng page na ito.

sige nga...

try...