Sunday, July 6, 2008

tik-TAK-tik-TAK... anu ulet?





(JOURNAL: CAUGHT IN THE ACT)
(ENTRY: 073107-18:46)


Ang tagal ng oras...

Kasalukuyan akong nasa 5th floor g PUP main building. Nakasalampak sa upuan at kaharap ang mesang nakasaksi sa aming magkaklase na nagmistulang bangag na bangaw sa paggawa ng mga assignments sa accounting - 1st yr. 2nd sem...

May kaharap din akong lalaki. Pero nakatalikod siya. Pero nasulyapan ko naman ang mukha niya nung napadaan ako.

B***n?!

P***y.. si B***n nga ba ito?

Oh well.. Wala naman silang kinalaman sa isusulat ko... At wala pa akong naiisip na isulat... Umaalog sa 6th floor at may naririnig pa akong sumisigaw. Cheering squad ba yun?

Ewan... Siguro... Baka... Kalabaw, kambing, hunyango...

Malamig dito kahit papaano. Masarap matulog. Haaayyy... Baka bumuhos na naman ang ulan at bumaha sa 6th floor. Ganyan dito. Sa 6th floor kadalasan unang binabaha. Astig, nu?

Masaya rin palang tumambay dito... Lalo na pag ganitong oras. Mangilan-ngilan na lang estudyante...

(Lumilindol... May mga hukbong sandatahan ang nagtitipon-tipon sa itaaas)

Wala akong ibang maisulat pero ilang letra na din ang naitapon ko sa papel.

*Sulyap sa kaliwa*

*Sulyap sa kanan*

*Ngiti*

*Hinto*

Para akong tanga. Basta mangati ang kamay ko na humawak ng panulat at papel, gagawin ko. Masuportahan lang ang kaligayahan ko.

Bakit ba ako sumusulat? Para saan? May napapala ba ako?

Sumusulat ako dahil gusto ko. Kaibigan ko ang panulat at sumbungan ko ang papael. Kaibigan ko din ang mga letra basta walang kinalaman sa Math.

Nagsusulat ako para sa madaming kadahilanan na di ko na kailangang isa-isahin.

May napapala ako sapagsusulat dahil isa sa mga mga kaigayahan ko ang ganitong gawain. Nakikilala ko ang sarili ko. Nakakasagupa ko ang sarili kong demonyo. Nakapaglalayag ang diwa ko sa kung saan ko man gustong makarating.

May bagong grupo ng mga estudyante ang nakamaling naupo sa kinalalagyan ko ngayon.

Digestive System ang topic nila. May quiz siguro sila kanina.

Digestive...

Digest...

Minsan ayokong magbasa ng anumang libro dahil madalas kong ma-digest ang istilo ng mga letrang naka-imprenta dito. Minsan pa nga ay naaabutan ko na lang ang sarili kong nagsusulat ng isang istorya na nahahawig na sa plot ng nabasa kong libro.

Madalas kong ma-digest ang sarili kong gawa matapos makabasa ng mga letreng may pagkakahawig ng sa akin.
Ang sagwa pala ng lasa.

Mahirap rin pala... Aakalain pa ng iba na ninakaw mo ang ideya sa iba. Kriminal.

Marami na akong natapos na short stories at nobela. Pero nawala ko din ang mgakopya matapos na isulat ang mga ito. Madami ring istorya ang di ko naituloy. Minsan kasi, nawawala ako sa daloy ng sarili kong letra. O di kaya, sa lagitnaan ng isatorya ko matatagpuan na nagmimistulang xerox copy lang ito ng ibang istorya. At minsan ang dahilan, nadidismaya ako. Nasa kalagitnaan na ako tapos bigla akong makakanood ng pelikula o makakabasa ng libro na hawig ng isinusulat ko.

Pag minamalas-malas ka nga naman.

Post no Bill.

Wala. Binasa ko lang yung nasa poste. Inusisa ako ng dalawang lalaki na napadpad sa kinasasalampakan ko. Isa sa kanila ay kulay PINK ang dugo.

Ano daw ang course ko. Tapos, dalawang tanong pa ang sumunod. Di na ako umimik matapos ang pangatlong tanong para wag ng humaba ang usapan.

Mas gusto ko kausapin ang papel sa ngayon. Madilim na dahil 19:25 na. Nakahiga si kuya pero napabangon ng makita ang isang prof na dumaan. Sabay banat sa akin:

"Ang cute ng prof na yan, 'no? Parang manika."

*Ngiti lang ako*

Oo. Parang manika...manika ng mangkukulam... at ako ang mangkuklam.







No comments: