ORIGINAL DATE: 090908
JOURNAL ENTRY: (BREATHE) 23:52
-chaiCHUA
Medyo magulo ang mundo ko ngayon. Parang sinusurot ang guni-guni ko. Napakadaming dahilan para isipin ko na ko na malapit ko ng palitan si Atlas sa pagpasan ng mundo. Pero di rin! MUNDO NA YUN -- buti sana kung globo lang yun, kaya ko pa.
Gabi na at di pa ako dinadapuan ng tampalasang antok. At linsiyak nga naman, di ko alam kung sinasapian ako ng kaluluwa ng tulirong bulate. Di ako mapakali sa higaan kaya pinili kong kumuha ng papel upang pag-aksayahan ng tinta.
Pero di ko talaga alam kung saan hahanginin itong maisusulat ko. Kung saan man mapadpad ang ulirat ko, eh, sumasang-ayon na lang ang kamay ko. Ganoon ang siste.
Sa mga oras na ito ay nais lumuha ng panulat ko sa piraso ng papel na ito. Siguro, medyo napapraning na nga ako.
Minsan, kailangan mong lamunin ng buong-buo ang ipinagmamalaki mong PRIDE. Kailangan mong humanap ng alternative para palitan ito. Kagay ng Tide, o kay ng Champion para masabing marunong ka sa buhay. Kailangan mong ipagkait ito sa sarili mo sa pansamantagal na panahon para magkaroon ka ng pagkakataong huminga ulit. Kailangan mong sumang-ayon sa panahong nagbubuhos ng mga yelo na kasinglaki ng ibinibenta sa lugar na may nakapaskil na "ICE FOR SALE". Kahit pakiramdam mo'y walang flashlight na madamdampot sa oras ng black-out dahil di ka nakapagbayad ng bill sa kuryente.
Sa huli nama'y may mapupulot kang maikakabit mo sa pagkato mo. Parang items na napupulot sa tuwing pumapatay ka ng monster sa isang on-line game. Mag-le-level-up ka pagkatapos kang paikot-ikutin ng mga siraulong NPC na walang ginwa kundi magbigay ng quest.
Masaya ang pakiramdam kapag alam mong lumalakas ka...
Hinto...
Hinto ulit...
Kung kailan ako makakahinga ng malaya sa kung anong laro man ng buhay na ito ay malabo pa para sagutin. Ang tanging naiwan sa gula-gulanit kong utak ay ang pag-asang matatapos din ito at ang pagsibol ng bagong PATCH sa laro upang bigyan ka ng pagkakataong matuto.
Wednesday, September 10, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment