Hay... Kanina pa ako nakatitig sa kisame. Ilaw lang ang nakikita ko - wala kahit isang butiki - o kahit gagamba man lang na pwedeng kausapin. Gusto ko ng makakausap.
Sinubukan kong istorbohin si Crimson. Pero alaws ata sa mood. Ayan at nakaupo sa harap ko... nakatitig lang...
Baliktanaw...
Ngiti.
Baliktanaw ulit...
Simangot.
Isa pa ulit na baliktanaw...
Ngiti.
Para akong adik na high sa mothballs. Siguro, kung nakikita lang ako ng ibang tao yung pinaggagagawa ko, sasabihin nila malamang, may sapi ako.
Biglang umihip sa bumbunan ko yung hayskul layp ko. Ewan ko ba kung bakit! Hayskul at rebelde... Para mas malinaw, ESTUDYANTE at pagiging REBELDE na nasa iisang katauhan. Ganoon ako nun.
Rebelde. Andres Boni? Adik.
Rebelde sa sariling tahanan. Di dahil kumitid ang utak ko ng mga panahong iyon. Galit lang talaga ako. O, makitid ang pang-unawa.
Bakit pag siya...?
Ako na naman...?
Lagi na lang...
Por que ako panganay, ako na naman...?
Eto ang gusto ko, nag-aaral naman ako, ah...!
Parang sirang plakang paulit-ulit na sinasalang sa ulo ko. Iisa lang ang mga larawang dumadaan sa paningin ko ko nung mga panahong yun.
Bisyo.
Yosi... alak...
Ayokong nagtatagal ang prisensya ko sa bahay. Kailangan mas madalas, nakatapak ako sa labas ng jurisdiction ng gobyernong namamahala sa teritoryong yun.
Ayoko sa kanila... Dahil lagi na lang ako ang nakikita kahit s akonting pagkakamali - akala mo, nakapaslang ka na. Pag may tama ka naman, daig pa nila ang taong nakapiring.
Pansinin niyo naman ako... Yung mga tama ko...
Pakiramdam ko, namamalimos lang ako ng tamang atensyon nun sa pamilya ko. Kung anu-ani na pinaggagagawa ko. Wala naman akong matinong naririnig sa kanila...
Mag-aral ka na lang kesa nagsasasali ka sa mga ganyan....!
Galit... Galit na sa nakikita ko ngayong mga oras na ito ay di tama. Pero, nasabuyan ako ng buhangin sa mga mata noon.
Naaalala ko pa ulit, ang kitid nga ng pang-unawa ko nun. At naisip ko naman ngayon, natural lang yun. Mas maganda na nagiging teacher mo ang sinasabing experience. Anim na taon rin naman akong mas bata ng mga oras na yun at di pa siguro kayang tanggapin ng isang tulad ko ang tama sa mali noon.
Dati, ayoko sa bahay... kasama sila. Ngayon? Para akong basang sisiw na naghahanap ng masisilungan. Yung may init... yung may matatagpuan kang tamang kalinga na sinasabi nila. Akala, mas masaya pag wala sila, pag di ko sila kasama - para walang hadlang sa mga kagustuhan ko. Nung nakita ko yung pagkakataon, sinunggaban ko agad. Pero ngayon, hinahanap ko yung matatawag kong PANILYA.
Kasi ngayon, malayo sila sa akin... At nakakalingkot isipin na minsan ay hiniling ko na sana ay di na lang sila ang magulang ko. Pero nasaktan rin naman ako sa sinabi nila sa akin noon, na sana, di na lang nila ako naging anak...
T_T
...dahil ngayon... NGAYON - ngayon ko lang naiumpog sa pader ang ulo ko, na wala na palang mas hihigit pa sa mundo, KUNG KASAMA KO LANG SILA.
Di man kami tulad ng dati na may kaya sa buhay, buo naman kami... Masasabi kong SAFE ako.
Pero sa ngayon, ang tanging magagawa ko lang ay panindigan ang naging desisyon ko - na humiwalay muna sa kanila... para makapagtapos ng pag-aaral...
Kailangan palang mahiwalay ng sisiw sa kanyang kulungan paminsan-minsan - para mabasa - para matauhan... Oo, yung rebeldeng sisiw na ang ina ay manok pero pilit na sinasalapak sa ulo niya na isa siyang itek!
Kailangan mabasa - para lamigin - para magising...
At ang itlog ng itek ay ginagawang balot. At ang balot naman ang napag-tripang paglihian ng mama ko nung pinagbubuntis niya ako.
Gusto ko lang malaman, di ba pwedeng mamili ng paglilihian ang mga buntis?!
journal: BREATHE
100808 / 21:07
Thursday, October 9, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment