"Walang gamot ang insecurity"
Isang kowtabol kowt na napulot ko sa isang classmate matapos niyang itapon sa sobrang init ng ulo. Wala nga ba talagang gamot
Sabi ni pareng Google, ang ibig sabihin ng salitang insecurity ay: (n.) The state of feeling insecure; uncertainty; want of confidence. (n) the state of being subject to danger or injury.
Ang sabi naman ni Mirriam-Webster:
1: not confident or sure : uncertain
2: not adequately guarded or sustained : unsafe
3: not firmly fastened or fixed : shaky
Ang sabi ko naman na meaning nito:
Isang talipandas na sakit na maaaring sumira sa pangarap ng isang nilalang. Isang sakit na parang ebola virus kung umatake dahil pinapatay nito ang mga cells ng ulirat mo sa katotohanan.
Di ako pyschologist, pero kung ako lang ang tatanungin, meron naman.
Acceptance.
Oo. Acceptance.
Acceptance, para ready ka na if ever... Para mawala yung doubt. Pag walang doubt, tanggal insecurity. Well, at least, magkakaroon ka ng kumpyansa sa sarili mo. Pero kung kulang ka talaga sa confidence, USE REXONA. IT WON'T LET YOU DOWN!
Ang simple ng paliwanag ko. Pero yun lang ang kaya ko ibigay. Hehe...
Pero kung talagang retarded ka, matagal bago mo pwedeng magamot ang makalagas-balahibo mong sakit na itetch. Mas malala pa, baka dumating pa sa punto na maloka ka - frustrated ang bunga. Ang ending, lagas na balahibo sa buong parte ng katawan mo dulot ng kapraningan pilit mong isinasalpak sa bumbunan mo.
Alam ko naman na dumadating talaga sa buhay ng NORMAL na tao ang puntong maaari kang ma-insecure. Oo, sa normal na tao.
Kung insecure ka sa isang bagay, oras na para lunukin mu yung PRIDE na sumisirko sa ulo mo. Wala namang namamatay sa paglunok noon. Para sa akin (alam kong di maganda ang paggamit ng mga katagang "para sa akin"), PRIDE ang isa sa mga dahilan bakit naiinsecure ang tao.
Bakit?
Pag masyadong mataas ang pride ng tao, yung daig pa yung Great Wall of China, nawawalan siya ng panahon para tumingin sa mga katotohan na kahit kitang-kita na, pinipili pa rin niyang makipag-face-to-face sa realidad na gawa lang ng kanyang imahinasyon. Parang medyo lumabo nung sinabi ko yung realida na salita. Pero, parang yung topic lang namin sa Psychology class yan.
Paano mo masasabi na NORMAL ka?
Normal ka kung ang paniniwala mo sa sarili mo ay NORMAL ka. Kung abnormal ka naman sa paningin ng iba pero normal ka para sa sarili mo, NORMAL KA PA RIN. Wala nang kaso kung di ka normal sa iba basta normal ka naman para sa mga kaibigan mo. Kaya pumili ka ng kaibigan na handang dumamay sa 'yo hanggang sa huli at handang DUMAMAY SA KAABNORMALAN MO para masabi niyo naman na, "Yes, we belong."
At kung may mga tao man na daig pa ang pinasukan ng surot sa tumbong kung makapang-mata sa 'yo, hayaan mo sila. Opinyon nila yun. Pero dapat, silipin mo rin kung may katotohanan nga yung sinasabi nila sa 'yo. At kung totoo man, subukan mong ayusin ang gusot na iyon. Kahit di biglaan, paunti-unit lang para di ka mahirapan.
Walang gamot ang insecurity pero di ko alam kung bakit napunta sa pagiging normal ng isang tao ang pinag-uusapan natin ngayon. Kung may konek man, bahala ka ng tumuklas. Hehe...
3 comments:
Hi, pa-reblog ako ng entry mo ah? Ang cool kasi.:)
This is good! May i ask your permission to use it on academic purposes?
Can i copy this??
Post a Comment