Wednesday, April 1, 2009

Oo na. Sige na. May TAMA ka na - sa ULO.

Journal: Fey
033109 / 00:29


Kung ilang beses mo puwedeng pagnilay-nilayan ang isang bagay para makuha mo ang ipinipilit mong TAMANG SAGOT ay gagawin mo kahit pa kumain ka ng buhay na manok (o sige, wksaherada na naman ako^^). Pero sa huli, mali ka pa rin kahit anong sirko pa ang gawi mo sa buhay mo. Magpupumiglas ang panig na pinaninindigan mong TAMA - dahil wala namang espasyo sa kumikitid mong utak. Ang sagot na ipinipilit mong tama ay patuloy sa pagsaklaw sa iyong gunita na dumuduyan sa ilusyong ginawa mo (ano daw sinasabi ko?).

Ganyan ata talaga ang tao.

Kung pride lang ang basehan, malamang, isa yan sa mga mabibigat na dahilan kung bakit sa isip ng isang nilalang na tulad ng tao ay dapat "TAMA AKO, MALI KA, PERIOD" ang drama lagi sa buhay.

Ano ka, Diyos?

Pride. Ayaw kasi patalo. Kailangan, tama ka - kahit sasampalin ka na ng katotohanang MALI KA NAMAN. Kailangan tama ka at mali ang kausap - ego?

Ayaw patalo. Ayaw ibaba ang sariling bandila. Ganyan madalas ang siste. Parang syunga lang. Sa inuman lalo, parang ang pakiramdam mo ay nakatodo ang aircon sa sobrang lamig- sa sobrang lakas ng hagin.

"Wala ka sa lolo ko..."
"Eh, ako nga, nakapasa kahit di ako nag-review..."
"Mas mabango yung katol ko..."

Ewan lang. Kahit ayaw mo tuloy, mapapasakay ka na rin sa trip nila.

"Ma bayad. Makikisuyo, paabot naman. Hanggang sa dulo ng walang haggan nga po. Estudyante, ho."

Kung saan ka man dalhin ng bagyo, eh, bahala na si Robin dahil busy si Batman kay Catwoman.

Pero hindi tungkol sa inuman ang topic ko, kaya i-cut na muna natin at baka kung saan pa sumegwey ang mga letra ko.

Minsan, para kang tanga sa pag-iisip ng kung anu-ano. Malinaw naman na 1 + 1 is equals 2. Pero ipinipilit mo pa rin na 11 - dahil iba ang pinapanigan ng utak mo. Dahil TAMA KA, MALI SILA.

Ganyan...tapos, pag nararamdaman mong napapraning ka na, magri-reklamo ka.

"Bakit ba kasi ayaw niyong maniwala? Pinagdaanan ko na yan!"

O kaya...

"Bakit ayaw mo maniwala, ha? Ikaw pa! Kilala kita! Ang dami mo nang maling nagawa sa buhay mo, tapos ayaw mo maniwala sa 'kin?"

Adik? Sino naman kaya siya sa palagay niya para magsalita ng ganun, di ba?!

Minsan, hahanap pa ng alternative solution. May mga bagay na madaling mahanap ang solusyon, pero di kaya ng ulirat mo na tanggapin ang solusyon. Mga bagay na pinipilit ayusin kahit wala na talaga. Kahit i-recycle mo man, talagang - wala na. End of contract.

Sa ganitong proseso, madalas, ang nangyayari, pinahihirapan mo lang ang sarili mo. Walang kaso kung may matututunan ka, eh, paano kung wala? Panibagong problema ulit? Pero ayus na lang rin... kesa di mo nga naman sinubukan, di ba?!

Mahirap gumawa ng hakbang kung di mo alam o pag-iisipang mabuti kung saan mo susunod na itatapak ang mga paa mo. Pero kung mag-iisip ka at hahayaan mo lang mangibawbaw ang mga bagay na sa PALAGAY MO LANG AY TAMA, malamang, di ka rin mapapalagay sa huli. Ang lagay, eh, ano?

-chaiCHUA

Saturday, March 21, 2009

TIME CHECK: 1:34am (according to my watch)

(...at may klase pa ako mamayang 7:30am...)


100408 / 10:52

Minsan, babatukan ka ng pagkakataon at mapapabuntong-hininga ka na lang ssa isang sulok. Isusupalpal sa 'yo ang mga pangyayari na mahihiling mo na lang sa sarili mo ay "sana mag-evaporate na ako".

"Di na ako tinantanan ng problema!"

Ang ending ay isang bwiset na araw... *super churvaness!!! Kalorgey talaga...*

Mapapahalumbaba ka habang pilit mong isinasaayos ang pagkakabuhol ng mga sitwasyon na unti-unting tinuyunaw ang sarili mo. Tapos, maya-maya lang, kakahalumbaba mo, pwede ka ng pumalit sa picture ni Ninoy Aquino sa 500 Peso Bill.

Walang mangyayari kung magpapaapekto ka masyado sa bawat bagyo na dumadating at tinatangay ang bawat pahina ng buhay mo.

Eh, kung bigyan mo kaya ng pagkakataon ang sarili mo na huminga muna kahit sandali para naman di ka gahulin ng hininga sa pagsisid?



091009/ 00:17


1. Maria Clara
2. Ibarra
3. Padre Damaso
4. Kabanata 4

Nagbato pa ulit ng mga tanong ang butihin naming teacher na mahilig magpa-rain shower ng kanyang laway (actually, madalas ko yung masalo dahil nakaupo sa front row na kung tawagin ng class adviser namin ay "MGA ANGHEL").

10. Pedro
11. Juan

Ako na ang mababato mamaya ng eraser. I can feel it! Oh-yeah!

20. Dinuguan
21. Puto

Ano ulit?

22-25. Oo na! Ako ang pumatay kay Rizal! Tama na!

Ayaw kong nabablangko ang papel ko sa tuwing sasapit ang kung ano mang quiz o exam noong hayskul ako.

Naisip ko lang kung bakit kailangan pag-aralan ang Noli Me Tangere at El Fili? Eh, di wala namang kinalaman dun ang mga tanong na pwedeng isapak sa 'yo ng interviewer pag nag-a-apply ka na ng trabaho.

Interviewer: Bakit nabaliw si Sisa?
Applicant: Ha -?! Ah... Nawawala yung mangga niya...?

Ngayong college ko lang nahanap ang nakikipag-hide-and-seek na sagot at siyang nagbigay-liwanag sa akin.

Dahil sa R.A1425. At ito iyon:

Dahil diyan...

Interviewer: Sino ang National Hero?
Applicant: ...Batman?

(Di man aplikante, pero seryoso, may sumagot niyan. Pero bata^^ Kaya buti na lang talaga, nauso ang RA 1425)


House Bill No. 5561
Senate Bill No. 438

An Act to Include in the Curricula of All Public and Private Schools, Colleges and Universities courses on the Life Works and Writings of JOSE RIZAL, particularly his novels NOLI ME TANGERE and EL FILIBUSTERISMO, Authorizing the Printing and Distribution Thereof, and for Other Purposes.

Whereas, today, more than other period of our history, there is a need for a re-dedication to the ideals of freedom and nationalism for which our heroes lived and died.

Whereas, it is meet that in honoring them, particularly the national hero and patriot, Jose Rizal, we remember with special fondness and devotion their lives and works that have shaped the national character;

Whereas, the life, works and writings of Jose Rizal particularly his novels Noli Me Tangere and El Filibusterismo, are a constant and inspiring source of patriotism with which the minds of the youth, especially during their formative and decisive years in school, should be suffused.

Whereas, all educational institutions are under the supervision of, and subject to regulation by the State, and all schools are enjoined to develop moral character, personal discipline, civic conscience, and to teach the duties of citizenship; Now therefore,

Be it enacted by the Senate and House of Representatives of the Philippines in Congress assembled

SEC.1
Courses on the life, works and writings of Jose Rizal, particularly his novels Noli Me Tangere and El Filibusterismo, shall be included in the curricula of all schools, colleges and universities, public or private; Provided, That in the collegiate courses, the original or unexpurgated editions of the Noli Me Tangere and El Filibusterismo or their English translations shall be used as basic texts.

The Board of National Education is hereby authorized and directed to adopt forthwith measures to implement and carry out the provisions of this Section, including the writing and printing of appropriate primers, readers and textbooks. The Board shall, within sixty (60) days from the effectivity of this Act promulgate rules and regulations, including those of a disciplinary nature, to carry out and enforce the regulations of this Act. The Board shall promulgate rules and regulations providing for the exemption of students for reason of religious belief stated in a sworn written statement, from the requirement of the provision contained in the second part of the first paragraph of this section; but not from taking the course provided for in the first part of said paragraph. Said rules and regulations shall take effect thirty (30) days after their publication in the Official Gazette.

SEC.2
It shall be obligatory on all schools, colleges and universities to keep in their libraries an adequate number of copies of the original and expurgated editions of the Noli Me Tangere and El Filibusterismo, as well as Rizal’s other works and biography. The said unexpurgated editions of the Noli Me Tangere and El Filibusterismo or their translations in English as well as other writings of Rizal shall be included in the list of approved books for required reading in all public or private schools, colleges and universities.

The Board of National Education shall determine the adequacy of the number of books, depending upon the enrollment of the school, college or university.

SEC.3
The Board of National education shall cause the translation of the Noli Me Tangere and El Filibusterismo, as well as other writings of Jose Rizal into English, Tagalog and the principal Philippine dialects; cause them to be printed in cheap, popular editions; and cause them to be distributed, free of charge, to persons desiring to read them, through the Purok organizations and the Barrio Councils throughout the country.

SEC.4
Nothing in this Act shall be construed as amending or repealing section nine hundred twenty-seven of the Administrative Code, prohibiting the discussion of religious doctrines by public school teachers and other persons engaged in any public school.

SEC.5
The sum of three hundred thousand pesos is hereby authorized to be appropriated out of any fund not otherwise appropriated in the National Treasury to carry out the purposes of this Act.

SEC.6
This Act shall take effect upon its approval.

081208 / 11:50


Where: Manila City Hall, Session Hall

Bakit ako inaantok?! Masarap matulog... Masarap... Makintab yung noo ng Majority Floor Leader... Wala si Pareng Isko MOreno na dapat nakaupo as Presiding Officer. Si Mayor naman kasi, nasa Beijing at may dala-dalang pompoms para mag-cheer sa nagaganap na Olympics *Go Philippines!*

.

..At malamang...di ako yan...Hehe...*Peace!*


061908 / 23:35


...and i'm still here waiting
just to see you
when will you know?
how can i make you feel?
- that i'm still existing?
so much of your confidence
so much of your pride
so much of those words
yet so little of your so-called "care"
...
and i'm still here waiting
until the day i'll wake up...

another RATED PG...?!

Subj: Human Behavior w/ Dr. Pia

"Who am I?"

That was the fourth question wriiten in our mid-term test paper. Our dear profeswor explained that the item number 4 was supposed to be you, asking yourself "Who am I?"

What kind of question was that?! Why didn'y she just gave an instruction saying, "describe yourself instead" so i can just simply answer her, "Judge me" (parang sumasagot lang ng SLAM NOTE..hehe)

Who the hell am I?!

Anyway, our professor was kinda disappointed when she read our answers. She said that nobody passed the test. Huwaaaaaaaaattt?!!!! Apat yung tanong, dude! At sigurado akong nasagutan naman namin lahat nung questions dun! Why "NOBODY PASSED?!"

She also said, our answers were not actually the answers she's expecting (ano pa ba in-i-expect niya?!). She said that all of us described ourselves by telling her where we were born, ou birthday, our likes and dislikes (para ngang sumagot lang kami ng slamnote...hehe). Pero di daw dapat ganun yun!

We should've told her about what our goals, mission and vision in life instead. Nyaikz...

Kaya eto ang nangyari habang nagkakaroon ng graded recitation dahil sa malapit nang tumulo yung laway namin sa kinauupuan naming tatlo.. palipas oras muna:



Question: What is your vision?

Jeysi: -175, both eyes...

Jhenn: normal...



Question: How about your goals?

Jeysi: soccer?! ahhmm...HOMERUN?

Jhenn: ave. of 30 pts. per quarter! weh-



Question: And your mission?

Jeysi: impossible...

Jhenn: accomplished



Question: Are you confident?

Jeysi: Ofcourse..i use rexona...IT WONT LET YOU DOWN!

Jhenn: No...i use Lactacyd, dahil dala-na ako! =)



Question: What are your talents?

Jeysi: -uhh-

Jhenn: hanggang kelan ko ba hihintayin ang sagot mo?



Question: Who is maslow?

Jeysi: Discovered the marshmallow...

Jhenn: Ahmm...YES!



Carms: Sali ako. Ako magatatanong...

What can you say about titi monster?



Jeysi: Inggetera! Human behavior topic dito!



Carms: Sumagot ka na lang! Managaer ako!

Who is Pepe monster?



Jeysi: Maskot ng HAPPY PEANUTS....?!



Jhenn: Asawa ni Titit monster



Carms: Can titi monster and pepe monster exercise human behavior? How?

Jhenn: Wou, how? -Jerjer

Jeysi: Wow!!! Ang lufet ng tanong mu, wah! Pa-jerjer ka naman! Jerjer! Jerjer!



Carms: What does the end mean?

Jeysi: The end was supposed to follow the word DEAD.

Jhenn: Justify the mean! -weh-



Question: What is quality?

Carms: Quality is me...haha...

Jhenn: Quality is not Quantitative!

Jeysi: 100% cotton...



Question What are the things inside your bag that may interest the professor talking infront?

Carms: The things inside my bag are none of anyone's business and the professor would be interested if I tell her there is a titi monster.

Jhenn: Too many to mention! -Interest d prof? - d space is not enough!

Jeysi: Sa laki at bigat ng bag ko, baka isipin niya, dala ko yung ref namin sa bahay =)



Question: Do you believe when the prof said about the girl who's currently standing infront and having her recitation is the MOST YOUNG LOOKING AMONG THE CLASS?

Carms: OFCOURSE NOT! haha (bitter?) Let's ask people and find out...hahaI OBJECT!

Jhenn: May sakit kz c Manager kea hagardness! *Maglugay kaya ako?!*

Jeysi: I BEG TO DISAGREE... (beg talaga?!)



Question: Do you believe in your professor's advise?

Jeysi: You can take her advice away from me, I don't use it anyway...^^

Jhenn: No, coz every individual is unique.

Carms: No, beacause she's not my adviser...hehe...



Question: Define "MAYABANG"

Jeysi: Super ultra mega sonic to-the-highest-leveling electricity fan. Pag tinanggal mo naman sa saksakan, tapos ang karir niya.

Jhenn: -AKO-

Carms: Nagugutom na ko... Chicken roll!!



Questin: Are you hot?

Jhenn: Im fertile =P

Jeysi: Fact...Kapag blooming ka, ibig sabihin, FERTILE KA...hehe...

i'm not hot but i feel hot... so take off all your clothes...i-am-getting-so-hot...i wanna take my-

Jhenn: PAKI MO?!

Carms: out of the question...i'm always hot...



Question: Nakikinig ka pa ba?

Carms: di na..

Jeysi: Kinig-kinigan...syempre...given na yun..

Jhenn: ..ahaha..nagulat ako sa tanong mo..halata vah?



Question: What is a question?

Carms: it is a question you question to obain an answer.

Jeysi: A question is a lethal weapon used by the teachers lalo against thier students na alam nilang di nag-aral ng lectures nila.

Jhenn: What is your name?



Question: Do you have any questions?

Jhenn: Questions?

Jeysi: Can we go home?

Carms: Is YES? a question?



Question: -uhh?-

Jeysi: uhhhhh...

Jhenn: aahh..uhmm..hmmm..uhmmm..ahh..

Carms: duuuhhh...hai!



Question: What is the message?

Jeysi: *toot!* ckeck operator service

Jhenn: Sorry, you don't have enough balance...

Carms: Titi monster loves Pepe monster...



Tapos, di namin namamalayan, UWIAN NA PALA... hehe...



***ANG MGA MAYSALA:

jhenn (*incez child of FAMILIA DE GANGSTAH*)

carm (*GM ng FAMILIA DE GANGSTAH*)

jeysi/chai(CHAINsmoker ng FAMILIA DE GANGSTAH*)

Monday, February 9, 2009

"WALANG GAMOT ANG INSECURITY"

[Journal: Fey - 012109 / 14:56]

"Walang gamot ang insecurity"

Isang kowtabol kowt na napulot ko sa isang classmate matapos niyang itapon sa sobrang init ng ulo. Wala nga ba talagang gamot

Sabi ni pareng Google, ang ibig sabihin ng salitang insecurity ay: (n.) The state of feeling insecure; uncertainty; want of confidence. (n) the state of being subject to danger or injury.

Ang sabi naman ni Mirriam-Webster:

1: not confident or sure : uncertain

2: not adequately guarded or sustained : unsafe

3: not firmly fastened or fixed : shaky

Ang sabi ko naman na meaning nito:

Isang talipandas na sakit na maaaring sumira sa pangarap ng isang nilalang. Isang sakit na parang ebola virus kung umatake dahil pinapatay nito ang mga cells ng ulirat mo sa katotohanan.

Di ako pyschologist, pero kung ako lang ang tatanungin, meron naman.

Acceptance.

Oo. Acceptance.

Acceptance, para ready ka na if ever... Para mawala yung doubt. Pag walang doubt, tanggal insecurity. Well, at least, magkakaroon ka ng kumpyansa sa sarili mo. Pero kung kulang ka talaga sa confidence, USE REXONA. IT WON'T LET YOU DOWN!

Ang simple ng paliwanag ko. Pero yun lang ang kaya ko ibigay. Hehe...

Pero kung talagang retarded ka, matagal bago mo pwedeng magamot ang makalagas-balahibo mong sakit na itetch. Mas malala pa, baka dumating pa sa punto na maloka ka - frustrated ang bunga. Ang ending, lagas na balahibo sa buong parte ng katawan mo dulot ng kapraningan pilit mong isinasalpak sa bumbunan mo.

Alam ko naman na dumadating talaga sa buhay ng NORMAL na tao ang puntong maaari kang ma-insecure. Oo, sa normal na tao.

Kung insecure ka sa isang bagay, oras na para lunukin mu yung PRIDE na sumisirko sa ulo mo. Wala namang namamatay sa paglunok noon. Para sa akin (alam kong di maganda ang paggamit ng mga katagang "para sa akin"), PRIDE ang isa sa mga dahilan bakit naiinsecure ang tao.

Bakit?

Pag masyadong mataas ang pride ng tao, yung daig pa yung Great Wall of China, nawawalan siya ng panahon para tumingin sa mga katotohan na kahit kitang-kita na, pinipili pa rin niyang makipag-face-to-face sa realidad na gawa lang ng kanyang imahinasyon. Parang medyo lumabo nung sinabi ko yung realida na salita. Pero, parang yung topic lang namin sa Psychology class yan.

Paano mo masasabi na NORMAL ka?

Normal ka kung ang paniniwala mo sa sarili mo ay NORMAL ka. Kung abnormal ka naman sa paningin ng iba pero normal ka para sa sarili mo, NORMAL KA PA RIN. Wala nang kaso kung di ka normal sa iba basta normal ka naman para sa mga kaibigan mo. Kaya pumili ka ng kaibigan na handang dumamay sa 'yo hanggang sa huli at handang DUMAMAY SA KAABNORMALAN MO para masabi niyo naman na, "Yes, we belong."

At kung may mga tao man na daig pa ang pinasukan ng surot sa tumbong kung makapang-mata sa 'yo, hayaan mo sila. Opinyon nila yun. Pero dapat, silipin mo rin kung may katotohanan nga yung sinasabi nila sa 'yo. At kung totoo man, subukan mong ayusin ang gusot na iyon. Kahit di biglaan, paunti-unit lang para di ka mahirapan.

Walang gamot ang insecurity pero di ko alam kung bakit napunta sa pagiging normal ng isang tao ang pinag-uusapan natin ngayon. Kung may konek man, bahala ka ng tumuklas. Hehe...