Monday, October 13, 2008

dahil wala na naman akong magawa

>^<
Oy!

(-_-)
Oy ka rin.

>^<
Ano yang ginagawa mo?

(-_-)
Nagtitimpla ng lason para sa mga surot.

>^<
Mga surot?

(-_-)
Oo... Pinuputakti yung mga gamit ko. Minsan, dinadagit pa tapos iiwanan sa kung saan na di ko na ulit masisilayan.

*blok-blok-blok...poof!*

>^<
Cool... Lason?! Ano ingredients?!

(-_-)
Zonrox, Betadine, Baygon, Mothballs, mga basa nilang medyas... At chaka yung melamine na kinatas ko sa binili kong powdred milk kanina sa bangketa. ^^

>^<
Resourceful...

(-_-)
Di naman. Sa palagay mo, kailangan pa bang pagkagastusan yung mga ganun?! At isa pa, wala naman akong balak patayin sila, eh! Hehe...

>^<
Eh, di ba, kailangan mong makisama sa mga surot na yun? Baka nakakalimutan mo, nakiki-squat ka lang sa teritoryo nila.

(-_-)
Ano nga bang ginagawa ko?

>^<
Wala ka naman raw ginagawa na papabor para sa kanila... Uy... Tsismosa ko ano?!

(-_-)
Oo. Tsismosa ka nga.
Papabor?! Hehe... Nakakatawa... Naka-blindfold kasi sila palagi. Squat...? Haha!

>^<
Di mo sila papatayin, pero sabi mo lason yang ginagawa mo?

(-_-)
Pangpakalma lang itetch. Masyado kasi silang hyper, eh. Baka masobrahan sa pagiging hyper, maubusan ng HANGIN sa katawan. Ma-chugi pa sila.

>^<
Concern?

(-_-)
Yun ba tawag mo dun? Kasi ako, hindi. UTANG NG LAMANG-LOOB. ^^

>^<
Nasaan na nga pala yung mga surot na tinutukoy mo?

(-_-)
May pelosyip gadering sila ngayon. As usual... Nandun sila at maligayang-maligaya dahil di sila nakasuot ng mga maskarang ipinagmamalaki nila pag nakaharap sa ibang creature.

>^<
Nagsusuot ka rin naman ng masakara sa harap nila, di ba?

(-_-)
Pinilit nila ako, eh! And no choice ako. Sa ngayon, eto lang ang magagawa ko. Malaki na rin kasi ang natulong ng inang reyna nila sa mga co-creatures ko. Hehe...

>^<
Surot din ang Inang Reyna nila?

(-_-)
Hindi.

>^<
Eh, anu ba talaga ichura ng mga surot na yun?!
*Lingon sa kaliwa*
Sila ba yun?!

(-_-)
Yung isa, seksi daw. Hehe...

>^<
SAN BANDA?!

(-_-)
Tapos yung isa, parang ipinaglihi sa XEROX MACHINE.

>^<
Mahilig mag-photocopy? Sino kadalasan ang biktima niya na original copy naman, ha?!

(-_-)
Syempre AKO. Pero kumukulo dugo niya sa akin... Ngiyahahahaha!!!

>^<
Hmm... Ganda niyan. Daig pa adik, ah?! Yung iba pa?

(-_-)
Yung isa...
*ehem!*
Wag na, baka UMIYAK pa, weh. Ngiyahahahaha!!!

>^<
Ah... Yun ba yung akala ko eh, MATAPANG?!

(-_-)
Yun yung piliy niyang isinisiksik sa coconut shell niya. Hehe...

>^<
Meron pa ba?

(-_-)
Yung isa, past time rin niya yung umiyak.

>^<
Bakit?!

(-_-)
Adik kasi sa ex-jowa niya na wala namang matinong naidulot sa buhay niya.

>^<
Ngiyahahaha!!!

(-_-)
Pero wag ka! Lahat ng yan, talented sa paggugupit at pagtahi ng istorya! Oh-yeah!

>^<
*hmmm*
Ikaw na naman ata main topic sa pelosyip nila, ah! Pansin ko, ayaw talaga nila sa'yo.

(-_-)
Okay lang. AYAW KO RIN NAMAN SA KANILA.

>^<
Eh- - - di ka ba naiirita? Wala ka ng pride sa mga pinaggagagawa nila sa'yo, ah!

(-_-)
Ano bang sabi ko dati?! Naminsan, kailangan mong lunukin yung pride mo ng buo para may maisuka kang pabalik. At isa pa, may Champion naman diyan. May Tide Bar rin pwedeng pambura ng kalawang.

*blok-blok-blok-blok*

>^<
Ewwww... Ano bang amoy yan?!

(-_-)
Nakikiamoy ka na lang diyan kaya tumahimik ka...

*poof...poof...poof!*

journal: BREATHE
written: 100408 / 10:03

Thursday, October 9, 2008

Basang Sisiw

Hay... Kanina pa ako nakatitig sa kisame. Ilaw lang ang nakikita ko - wala kahit isang butiki - o kahit gagamba man lang na pwedeng kausapin. Gusto ko ng makakausap.

Sinubukan kong istorbohin si Crimson. Pero alaws ata sa mood. Ayan at nakaupo sa harap ko... nakatitig lang...

Baliktanaw...
Ngiti.
Baliktanaw ulit...
Simangot.
Isa pa ulit na baliktanaw...
Ngiti.

Para akong adik na high sa mothballs. Siguro, kung nakikita lang ako ng ibang tao yung pinaggagagawa ko, sasabihin nila malamang, may sapi ako.

Biglang umihip sa bumbunan ko yung hayskul layp ko. Ewan ko ba kung bakit! Hayskul at rebelde... Para mas malinaw, ESTUDYANTE at pagiging REBELDE na nasa iisang katauhan. Ganoon ako nun.

Rebelde. Andres Boni? Adik.

Rebelde sa sariling tahanan. Di dahil kumitid ang utak ko ng mga panahong iyon. Galit lang talaga ako. O, makitid ang pang-unawa.

Bakit pag siya...?
Ako na naman...?
Lagi na lang...
Por que ako panganay, ako na naman...?
Eto ang gusto ko, nag-aaral naman ako, ah...!

Parang sirang plakang paulit-ulit na sinasalang sa ulo ko. Iisa lang ang mga larawang dumadaan sa paningin ko ko nung mga panahong yun.

Bisyo.
Yosi... alak...

Ayokong nagtatagal ang prisensya ko sa bahay. Kailangan mas madalas, nakatapak ako sa labas ng jurisdiction ng gobyernong namamahala sa teritoryong yun.

Ayoko sa kanila... Dahil lagi na lang ako ang nakikita kahit s akonting pagkakamali - akala mo, nakapaslang ka na. Pag may tama ka naman, daig pa nila ang taong nakapiring.

Pansinin niyo naman ako... Yung mga tama ko...

Pakiramdam ko, namamalimos lang ako ng tamang atensyon nun sa pamilya ko. Kung anu-ani na pinaggagagawa ko. Wala naman akong matinong naririnig sa kanila...

Mag-aral ka na lang kesa nagsasasali ka sa mga ganyan....!

Galit... Galit na sa nakikita ko ngayong mga oras na ito ay di tama. Pero, nasabuyan ako ng buhangin sa mga mata noon.

Naaalala ko pa ulit, ang kitid nga ng pang-unawa ko nun. At naisip ko naman ngayon, natural lang yun. Mas maganda na nagiging teacher mo ang sinasabing experience. Anim na taon rin naman akong mas bata ng mga oras na yun at di pa siguro kayang tanggapin ng isang tulad ko ang tama sa mali noon.

Dati, ayoko sa bahay... kasama sila. Ngayon? Para akong basang sisiw na naghahanap ng masisilungan. Yung may init... yung may matatagpuan kang tamang kalinga na sinasabi nila. Akala, mas masaya pag wala sila, pag di ko sila kasama - para walang hadlang sa mga kagustuhan ko. Nung nakita ko yung pagkakataon, sinunggaban ko agad. Pero ngayon, hinahanap ko yung matatawag kong PANILYA.

Kasi ngayon, malayo sila sa akin... At nakakalingkot isipin na minsan ay hiniling ko na sana ay di na lang sila ang magulang ko. Pero nasaktan rin naman ako sa sinabi nila sa akin noon, na sana, di na lang nila ako naging anak...

T_T

...dahil ngayon... NGAYON - ngayon ko lang naiumpog sa pader ang ulo ko, na wala na palang mas hihigit pa sa mundo, KUNG KASAMA KO LANG SILA.

Di man kami tulad ng dati na may kaya sa buhay, buo naman kami... Masasabi kong SAFE ako.

Pero sa ngayon, ang tanging magagawa ko lang ay panindigan ang naging desisyon ko - na humiwalay muna sa kanila... para makapagtapos ng pag-aaral...

Kailangan palang mahiwalay ng sisiw sa kanyang kulungan paminsan-minsan - para mabasa - para matauhan... Oo, yung rebeldeng sisiw na ang ina ay manok pero pilit na sinasalapak sa ulo niya na isa siyang itek!

Kailangan mabasa - para lamigin - para magising...

At ang itlog ng itek ay ginagawang balot. At ang balot naman ang napag-tripang paglihian ng mama ko nung pinagbubuntis niya ako.

Gusto ko lang malaman, di ba pwedeng mamili ng paglilihian ang mga buntis?!

journal: BREATHE
100808 / 21:07

Friday, October 3, 2008

eto ang trip....SASAKAY KA BA?!


anu ulet?!
Kung sa paanong paraan sumirko ang utak ng nagsulat nito, eh, di ko alam at wala na kong balak alamin pa... Ang akin lang, sana, SANA LANG TALAGA - gumagana ang "push button" na ito...

Photobucket


Mistulang malaking bulletin board ang halos bawat sulok ng unibersidad kung saan ako nag-aaral ngayon... Ang cute ano?! Free AD SPACE ang dating... At kung sinong BABY JAMES man ang tinutukoy dito, malamang, maglululundag sa tuwa 'yon dahil maltakin mo nga namang may handang mag-ala-zaido para lang sa kanya upang ipagtanggol siya laban sa mga masamsang surot na nagpi-pyesta sa kanyang nudity... ano ulet?

Photobucket

Walang halong duda at tinitiyak ko sa inyo... isa itong pader sa isang CLASSROOM ng ESKWEAHAN..

(Oo nga naman.... ITIGIL ANG WALANG HABAS NA PAGBUO NG RUBIX CUBE!!!!!)



Photobucket

Eh paano nga uunlad?

Eto ang trip ng mga estudyante habang ang iba sa kanila'y sumisigaw ng "IMPROVEMENT FOR THE UNIVERSITY'S FACILITIES!!!!!"

oh-yeah!

Photobucket

Sige, paunlarin mo nga^^

At paano ka magiging tagahugas ng pwet ng kano kung pipiliin mo naman na ikaw ang paghuhugasan ng pwet? Well, di naman sa sinasabi kong magpa-convert ka ng iyong nationality, di ba?! Pero nasa sa iyo naman na yan kung ano ang pipiliin mong buhay...

Oo, mahirap maging mahirap, pero masayang magkaroon ng bagay na alam mong pinaghirapan mo, di ba?

Thursday, October 2, 2008

VANESSA

Ano't may luha muling bumubuhos?
Isa na naman bang kapraningan ang dinaranas?
O iyan ba'y isa na naman bang pagpapanggap?
Awa sa sarili'y pilit mo bang hinahagilap?

Iuntog man sa bakal na pader ang iyong ulo
Sa palagay ko'y malabong umubra
Sa mata mo'y padaluyin man ang dugo
Mananatiling mailap ang awa

Ano't walang habas ang pagbibitaw mo ng mga salita
Mga istoryang pirated na pilit itinatama
Ewan ko lang kung sa ulo'y may tama ka
Nagmimistulang nakasinghot ng basang medyas

Masaya ka sa ganyang gawain?
Ang paghabol sa lalaking di ka naman kayang mahalin
Isinusuka... itinataboy... may pag-ibig ka pa rin?
Nasaan... nasaan ang awa mo sa sarili?

Nalilibang ka ba sa kasalukuyang pangyayari?
Masdan ang iyong anak na puwedeng malaglag sa hagdanan
Ah... napupudpod na iyang mga daliri mo
Kakapindot sa lintek mong cellphone

Alam mo bang galit ako sa iyo?
Napakahusay mong tumahi ng istorya
Di mo ba alam na naaasiwa ako sa iyo?
Nuknukan ka kasi ng sinungaling

Kung wala kang awa sa sarili mo
Maawa ka naman sa anak mo
Konsiderasyon para sa mga taong nakapaligid
Hindi ka naman api, adik ka lang siguro

Di ko hinangad na ang pagkatao ko'y gustuhin mo
Kaya wag kang mag-alala at laging isaisip
Di rin kita gusto - ang lahat sa iyo
Wag kang praning at asikasuhin ang anak sa halip


Iiyak-iyak ka pa...
Sana'y nag-artista ka na lang
Maaari ka pang kumita...
^^

(WRITTEN: 093008)
00:17
journal: BREATHE
-chaiCHUA