Journal: Fey
033109 / 00:29
Kung ilang beses mo puwedeng pagnilay-nilayan ang isang bagay para makuha mo ang ipinipilit mong TAMANG SAGOT ay gagawin mo kahit pa kumain ka ng buhay na manok (o sige, wksaherada na naman ako^^). Pero sa huli, mali ka pa rin kahit anong sirko pa ang gawi mo sa buhay mo. Magpupumiglas ang panig na pinaninindigan mong TAMA - dahil wala namang espasyo sa kumikitid mong utak. Ang sagot na ipinipilit mong tama ay patuloy sa pagsaklaw sa iyong gunita na dumuduyan sa ilusyong ginawa mo (ano daw sinasabi ko?).
Ganyan ata talaga ang tao.
Kung pride lang ang basehan, malamang, isa yan sa mga mabibigat na dahilan kung bakit sa isip ng isang nilalang na tulad ng tao ay dapat "TAMA AKO, MALI KA, PERIOD" ang drama lagi sa buhay.
Ano ka, Diyos?
Pride. Ayaw kasi patalo. Kailangan, tama ka - kahit sasampalin ka na ng katotohanang MALI KA NAMAN. Kailangan tama ka at mali ang kausap - ego?
Ayaw patalo. Ayaw ibaba ang sariling bandila. Ganyan madalas ang siste. Parang syunga lang. Sa inuman lalo, parang ang pakiramdam mo ay nakatodo ang aircon sa sobrang lamig- sa sobrang lakas ng hagin.
"Wala ka sa lolo ko..."
"Eh, ako nga, nakapasa kahit di ako nag-review..."
"Mas mabango yung katol ko..."
Ewan lang. Kahit ayaw mo tuloy, mapapasakay ka na rin sa trip nila.
"Ma bayad. Makikisuyo, paabot naman. Hanggang sa dulo ng walang haggan nga po. Estudyante, ho."
Kung saan ka man dalhin ng bagyo, eh, bahala na si Robin dahil busy si Batman kay Catwoman.
Pero hindi tungkol sa inuman ang topic ko, kaya i-cut na muna natin at baka kung saan pa sumegwey ang mga letra ko.
Minsan, para kang tanga sa pag-iisip ng kung anu-ano. Malinaw naman na 1 + 1 is equals 2. Pero ipinipilit mo pa rin na 11 - dahil iba ang pinapanigan ng utak mo. Dahil TAMA KA, MALI SILA.
Ganyan...tapos, pag nararamdaman mong napapraning ka na, magri-reklamo ka.
"Bakit ba kasi ayaw niyong maniwala? Pinagdaanan ko na yan!"
O kaya...
"Bakit ayaw mo maniwala, ha? Ikaw pa! Kilala kita! Ang dami mo nang maling nagawa sa buhay mo, tapos ayaw mo maniwala sa 'kin?"
Adik? Sino naman kaya siya sa palagay niya para magsalita ng ganun, di ba?!
Minsan, hahanap pa ng alternative solution. May mga bagay na madaling mahanap ang solusyon, pero di kaya ng ulirat mo na tanggapin ang solusyon. Mga bagay na pinipilit ayusin kahit wala na talaga. Kahit i-recycle mo man, talagang - wala na. End of contract.
Sa ganitong proseso, madalas, ang nangyayari, pinahihirapan mo lang ang sarili mo. Walang kaso kung may matututunan ka, eh, paano kung wala? Panibagong problema ulit? Pero ayus na lang rin... kesa di mo nga naman sinubukan, di ba?!
Mahirap gumawa ng hakbang kung di mo alam o pag-iisipang mabuti kung saan mo susunod na itatapak ang mga paa mo. Pero kung mag-iisip ka at hahayaan mo lang mangibawbaw ang mga bagay na sa PALAGAY MO LANG AY TAMA, malamang, di ka rin mapapalagay sa huli. Ang lagay, eh, ano?
-chaiCHUA
Wednesday, April 1, 2009
Subscribe to:
Posts (Atom)